Pardon my French…


Marahil, isa sa mga pinakamasarap na impluwensyang kanluranin sa ating kultura ay sa larangan ng pagkain.  

Sa linggong ito, ang napili kong lahok ay may impluwensiyang Pranses – ang “mango crepe”.  


Isa na ata sa mga katakam-takam na natikman kong bersyon ng panghimagas na ito ay ang sa UCC (na ang ibig sabihin pala ay Ueshima Cofee Company) Cafe Westgate na malapit sa amin. Sa halip na sariwang mangga ang nasa loob ng crepe ay malinamnam na sorbetes mangga – tunay na nakapagpapaginhawa ng pakiramdam.  Isang subo pa lang e malilimot mo na ang maalinsangan at mainit na klima ng Maynila 🙂

Tikim na! 😎

Advertisements

20 responses to this post.

  1. Wow! Ang sarap. Mukhang kailangan mo ipatikim sa akin yan ha…. umaasa ako.

    Reply

  2. Sarap nga! at gusto kong tikman yan sa Pransya…sira ang dyeta!

    Happy LP!

    Reply

  3. Huwaw! Ang sarap naman nito! 🙂

    Reply

  4. hmmmm…ang sarap naman nyan. penge!!!

    Reply

  5. Hindi ako mahilig sa mangga pero mukhang katakam takam ito!

    Ang aking LP ay nakapost na rin sa blog na ito:
    Shutter Happenings

    Kung may oras ka, sana makadaan ka! Salamat!

    Reply

  6. hehe! kewl entry!
    magandang huwebes sa’yo!

    Reply

  7. uy, yummmy! paborito ko ang mangga….happy huwebes…..:)

    Reply

  8. Kape na lang ang kulang 😀

    Cookie
    http://scroochchronicles.com/

    Reply

  9. biglang namiss ko ang mangga at bagoong. 🙂
    maligayang huwebes!

    http://biancaelyse-mylife.blogspot.com/2008/07/lp-17-sa-gawing-kanluran.html

    Reply

  10. sarap nyan! makagawa nga! 🙂

    Buti ka pa at may talent gumawa nito – galing! Hanggang bili na lang ata ako e…

    Reply

  11. Haaay, madaya, hehehe. Balang araw, kakain din ako ng mga ganyan kagandang pagkain at pipikturan ko, wahehehehe:D

    Reply

  12. ‘Oh Tuksoooo, layuan mo akoooooo’

    ano ba naman itong si Eva, eh masarap nga ang tuksong kagaya nyan, di ba tita? 😉

    Happy LP

    Kung ganito naman ang tukso e mapapakanta pa ata ako ng “Tease me, tease me, tease me, baby…till I lose control!!!” Hahaha!

    Reply

  13. ayayayay! itsura pa lang ang sarap sarap na!

    Reply

  14. di baleng di ako makakain ng main course, basta sweets/desserts gaya nyan ok na ang araw ko 😀

    Group hug tayo, Linnor! 😉

    Reply

  15. parang ayaw ko ng mabushog pag ganyan ang pagkain….miss ko na ang mango crepe ng Red Ribbon. inggit ako sa lahok mo…pengeeeeee!!!!!

    Reply

  16. sarap naman niyan..paborito ko pa naman ang mangga..laway laway.

    Reply

  17. Naku mukhang masarap yang mango crepe na yan, ice cream ba naman ang palaman hmmmmm.

    Reply

  18. ang favorite kong crepe ay banana caramel with vanila ice cream on top. paki dagdagan na rin ng chocolate syrup. wiiiii! yummy! 😀

    LP: Munchkin Mommy
    LP: Mapped Memories

    Thanks for the tip! Must make a mental note to try this soon… 😉

    Reply

  19. ay favorite ko yan! sarap nga nyan sa UCC.:D

    Reply

  20. yung pinay crepe naman sa cafe breton ang aking fave, pero di naman ako crepe snob kaya kahit ano pa yan, i will eat! 😀 c’est si bon!

    Apir tayo dyan, sister! 🙂

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: